Walang hanggang hantungan
Alam mo na nagwakas na ang giyera at natalo ka na. Ngunit hindi mo maiwasang sariwain ang nakaraan, kung paano ka nakipagsapalaran, nagsumikap na makamit ang katahimikan at sumuko sa kalaban. Napaisip ka, “Paano nga ba humantong ang lahat ng iyon sa katapusan?” Hindi mawaglit sa iyong isipan ang bawat detalye at mga mahahalagang petsa sa kalagitnaan ng unos ng isang buong dekada na ngayo’y bahagi na lamang ng iyong nakaraan. Subalit, hanggang sa huli ay hindi parin maikakaila sa puso’t isipan mo ang mga pagkukulang na iyong nagawa. May mga plano na dapat sana’y naisagawa at may mga mensaheng hindi naiparating. Ikinukubli sa bawat ngiti ang mga luhang naghihikayat na magpakita. At humihiling ng pasintabi na sana’y ika’y patahimikin na ng nakaraang nababalot ng pagsisisi at pagkakamali. Na wari’y lubayan ka na ng nagdaan na ibinaon mo na sa limot matapos sumuko sa gulo.
-
ithinkimhuman said:
bloody hell. i cant understand a single word. bravo *british accent*
-
camilletrinidad posted this
