Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
  

I love you, February ngayon.

Why Valentines is a big deal? Pebrero? Buwan ng mga puso? Bakit madami bang inooperahan ng heart transplant kapag Pebrero? Kapag ba February, Feb-ibig na kaagad? Hindi ba pwedeng Feb-finals muna? o Feb-agsak? Bakit hindi pwedeng February lang talaga?

Noong bata ka pa, may pakielam ka ba sa Valentines? At saka teka nga, ano ba talaga ang Valentines? Yuon ba yung kapag Valentines day, tinataga ka sa presyo ng mga nagtitinda ng bulaklak at tsokoleyt sa labas ng paaralan mo? Yun ba yung pagkakain ka lang mag-isa sa restaurant ay hindi ka nila i-a-accomodate kasi puno na daw sila tapos malaman laman mo, kasi reserved na pala yung mga tables duon? Yun ba yung kapag sa Mang Inasal ka kumain, may libreng t-shirt? Yuon ba yung kapag kakain ka sa labas kasama mga kaibigan o kapamilya mo kasi walang pagkain sa bahay e kailangang magpareserve pa? O siguro naman may big sale sa mga clothing apparel stores ng Buy 1 get 1 free or uso ang couple shirts? O kaya naman may discount ang Mahal Kita at Sogo hotel? Baka naman ang ipinagdiriwang kapag Valentines e mga business, hindi pag-ibig.

Ano nga ba ang Valentines day?

Ayon sa WIKIPEDIA

Saint Valentine’s Day, commonly shortened to Valentine’s Day, is a holiday observed on February 14 honoring one or more early Christian martyrs named Saint Valentine. It is traditionally a day on which lovers express their love for each other by presenting flowers, offering confectionery, and sending greeting cards (known as “valentines”). blah blah blah…

O e, yun naman pala, it’s a day where we honour one of our Christian martyrs named Saint Valentine. Tapos may bigayan ng bulaklak, tsokoleyts at mga love letters na mahigit isang buwan bago makumpleto tapos limang minuto lang pag binasa at higit sa lahat puno ng pagka-corny-corny na mga linya. Yung ibang love letters pare-parehas ang nakasulat, iba-iba nga lang ang pagbibigyan. Meron pang iba na mag-babake daw ng cake pero di kinaya ng powers kaya bumili nalang DIY cakes sa Goldilocks o di naman kaya idinaan nalang sa cupcakes ng Sonjas. 

Pinakanakakainis mang isipin pero totoong nangyayari sa kasalukuyan ay ito “VALENTINE DISCOUNT! 50% discount on all our economy rooms” LIKE WTF!? Utak at puso kaya ang pinapagana, hindi sex organs.

Kaya madaming pinapanganak ng October e, dahil jan sa mga ad na yan. Pero maiba naman ako, paano yung mga walang kasama sa araw ng ika-labingapat ng Pebrero? Anong uso sa inyo?

Tawag nga nila dito, “Single awareness day” o kaya “SMV: Samahan ng malalamig ang Valentines.” Ibig sabihin simula pasko, hindi na umunlad ang lovelife nila, o baka naman, narinig nila yung linya na “it’s not you, it’s me.” Kaya kadalasan mong makikita, magkakasama sila sa isang grupo, either nagvivideoke, gumigimik sa eastwood, nasa resorts world, nakaguestlist sa 5 bar sa may Timog, sumali sa speed dating, gumala sa Enchanted Kingdom o di naman kaya nag-chi-chill lang sa Starbucks, umiinom ng kape at nagyoyosi. Pero pag minalas-malas ka ng mejo-mejo i.e. estudyante ka o may trabaho ka, ito ang ginagawa mo: either nagaaral ka sa finals ng minors mo/midterms niyo/may tinatapos kang deadline/may thesis or defense kayo o di naman kaya, duty ka, OT at nagpapalaki ng eyebags kaka-trabaho. Sa sobrang busy mo, di mo man lang namalayan, March na.

Pero ang pinakamagandang maranasan kapag February e yung thrill. Surprises and unexpected things are the best ones, ika nga ng marami.

  1. Nagpapanic ka kasi ikaw nalang ang alaws date sa Valentines.
  2. PROMENADE FOREVER (Karamihan ay nagdidiriwang ng kanilang prom kapag Pebrero, minsan sinasakto pa ng Feb 14.)
  3. Sa araw ng Feb 14, simula pagkagising mo, iniisip mo na kung may matatanggap kang roses or chocolates, kahit hindi na galing sa crush mo, wa-pakels carry na! Basta may maipakita ka lang na may nagbigay sayo ng bulaklak.
  4. 1 week before Valentines day, naka-prepare na ang isusuot mo simula underwear hanggang sa sapatos mo.
  5. January palang, nagpapa-payat/nagpapaganda-belo ka na para sa Valentines. Para mabilis makatawag pansin ang alindog mo.
  6. Yung mga natira sa Christmas bonus, ampao at aguinaldo mo noong pasko ay pinagsama-sama mo na para may budget ka for Valentines.
  7. Minalas ka ng konti kaya nag-aaral ka para sa exam/tinatapos mo yung plates/trabaho mo.
  8. Naglinis ka ng bahay/apartment kasi may bisita kang dadating sa party mo for Valentines.
  9. Hagard ka na kaya wapakels wititits nalang ang Valentines.
  10. Nagbreak/away kayo ng jowakers mo.
  11. Sa sobrang excited mo, nakatulog ka.
  12. Nahuli kayo ng guard kasi naglalampungan kayo.
  13. Dagdagan niyo nalang. Madami pa yan, wag na lang nating isa isahin. Shocking kung may bumangon sa hukay.

How about my own experience?

Minsan Lugerlyn or Luz Valdez ako pagetch Valentines. Naranasan ko na, na babae at bakla lang ang nagbigay sakin ng Bulaklak pag Valentines, busy kami kasi foundation week, nagkatonsillitis ako kasi inubos ko yung isang buong Ferrero rocher collection na binigay sa akin ng jowakers ko, busy ako para sa prom, imbes na mag Enchanted Kingdom kami ng mga kaibigan ko ay sumama nalang ako sa jowa ko para magkaroon kami ng mini prom sa rooftop nila, yung una kong natanggap na bulaklak e tinapon ng nanay ko kasi bulok na daw, hindi ko na maalala yung sumunod, buhay na buhay ako sa madaling araw kasi may tinatapos akong plates at yung huli e sinamahan ko yung jowakers ko bumili ng outfit niya para sa prom nila.

Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong taon. Panigurado, nandito lang ako sa bahay, nagdodota.

E kayo? Magsasabi ba kayo ng I love you ngayong Valentines?

blog comments powered by Disqus
  1. camilletrinidad posted this