Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
  

HONESTY is such a lonely word.

Napaniwala ka na ba ng isang sinungaling? Naloko ka na ba ng isang mang-gagantyo? O baka naman hindi ka na nga kasi pinapaasa, umaasa ka pa?

You can trust a dishonest person to be dishonest at all times but you can not trust an honest person. Because you don’t know when they’re going to be dishonest.

Sobrang naniniwala ako sa katagang yan. You can always be cautious and try not to believe a person you don’t or never trust. Pros? You keep yourself safe in the game. Cons? You will never know when that person’s going to be honest about what he/she says. You could end up mistrusting every single person you meet by either chance or fate. Baka mamaya sinabihan ka na pala na mahal ka na niya pero ang sagot mo lang, “haha” o di naman kaya “k.”

Magulo nga siguro ang mga utak ng bawat tao. Ni hindi nga natin alam kung panu nakakamemorya ang utak natin e. Ang alam lang natin ay mayroon tayong hypothalamus na maraming kayang gawin. Paano nalang kaya kung walang taong marunong magtiwala? Siguro matagal ng na-extinct yung race natin. Kapag naman lahat ng tao ay pinaniniwalaan ang isa’t-isa, baka naman hindi na maging balanse ang takbo ng mundo. 

Sabi nga ni Tom sa 500 days of Summer, ”You know what sucks? Realizing that everything you believe in is complete and utter bullshit.” Mahirap nga naman kung lahat ng pinaniwalaan mong totoo ay for show lang pala o di naman kaya, hindi totoo. Para bang inukitan ka sa puso ng salitang “tanga” gamit ang ice pick, habang me mga uwak sa kalangitan humuhuni ng, “tanga! tanga! tangaaaaa!”

Pero mas masaya yatang maging tanga kaysa sa maging matalino, kasi alam mo na totoo yuong mga ginawa at sinabi mo. Kaysa naman sa matalino na magaling mangloko pero hindi kayang magtiwala sa ibang tao. Mas masarap yata yung pakiramdam na wala kang tinatago, totoo ka sa ibang tao at higit sa lahat, sa sarili mo. Na kahit alam mong nagpapaka-gago ka na at nagmumukhang tanga sa mata ng publiko, alam mo at ng diyos na taospuso ang gingawa mo. At alam mong hindi mo pagsisisihan ang mga yapak na tinahak mo.

Yung salitang totoo, uso pa ba sayo?

blog comments powered by Disqus
  1. kwesta answered: yess dear.. sobrang nakarelate ako jan.. :(
  2. camilletrinidad posted this