Boy friend is lalaking kaibigan.
Bakit nga ba hindi naging kayo? Boyfriend mo ba yan? Ang dami-daming nagtatanong sayo pero ang sagot mo lang e, “kaibigan ko lang siya” o hindi naman kaya “hindi kami talo” at higit sa lahat yung, “Mahal ko naman siya e, bilang kaibigan.”
Kapag ba malapit ka isang lalaki, kayo na kagad? Hindi ba puwedeng sobrang close niyo lang talaga muna? Kapag ba may kasama kang lalaki parati, malandi ka na kagad? Di ba pwedeng stalker mo muna siya? O di naman kaya di ka pa nagbabayad ng utang mo? At higit sa lahat, kapag ba friend zone lang talaga kayo, ibig sabihin isa sa inyo bakla o obit? Hindi ba pwedeng sabihin na, “Si ganito pala, kaibigan ko.”
There’s a finite line between love and lust and the same rule applies to friendship and benefits or more over leeching/parasitic relationship.
Bakit kapag babae ka tapos yung best friend mong lalaki, o kahit sabihin na nating close friend mo lang, pag nagka-girlfriend na siya, dapat matuto kang dumistansya? Kasi may respeto ka hindi sa matalik mong kaibigan o sa nobya niya, kung hindi may respeto ka sa sarili mo.But a different rule applies if some guy has a best girl friend. The boyfriend of the girl must understand that the guy best friend was the first one who were with their girlfriend, not as a boyfriend but as a real friend, a brother, someone to lean on or probably a father figure.
Nahihiwagaan lang ako sa mga ganyang sitwasyon. Hindi ko rin alam. May gusto akong sabihin ngunit hindi pwede kasi baka ma-misinterpret ng girlfriend ng kaibigan ko. Namismiss ko lang yung kaibigan ko, bawal ba yun? Masama ba na sabihin kong, “OY PUTANGINA MO MISS NA MISS NA KITA NGONGO KA!”
Marami na ngang nagtanong kung bakit nga ba hindi naging kami. Kasi takot ba kami na baka kapag naging kami, masisira yung pagkakaibigan namin ng ilang taon? O baka naman kasi hindi talaga namin nakikita yung mga sarili namin sa isang relasyong higit pa sa pagiging magkaibigan?
Ako, sa tingin ko, kasi mas pinahahalagahan ko yung pagkakaibigan kaysa love love na yan. Kasi alam mo, ang kaibigan, parang diyos, magulang at pamilya mo lang yan. Mawala ka man, di ka man lang magparamdam ng matagal kasi busy ka boyfriend/girlfriend mo o malayo ka man, andiyan lang sila, nakasilay, naka-alalay at naka-antabay. Na kung mahulog ka man at sa tingin mong walang sasalo sayo, andyan lang sila sa tabi-tabi, handang makinig sa walang sawa mong reklamo sa ka-relasyon mo pag nag-aya kang uminom sa Dapit o sa Balay.
xxx, Camille





